Isa sa mga stars ng GMA Network na masayang bumati at nag-welcome kay John Lloyd Cruz bilang bagong Kapuso, ang kalilipat lang din noong Hulyo 1 na si Bea Alonzo.

Nitong Nobyembre 9 ay tinuldukan na nga ang palaisipan ng mga netizens (bagama't halata naman) kung sino ang multi-awarded actor na "happy to be back'. Hula ng ilan, si JLC nga ito dahil nakahiwalay ang 'PPY' na kung babasahin daw ay 'POPOY', ang tumatak na karakter ng aktor sa box-office hit movie nilang 'One More Chance' at 'Second Chance' ni Bea, na kilala naman sa karakter na 'BASHA'.

"Hi Idan, ito na naman tayo, magkasama nanaman tayo mukhang totoo yata 'yung sinabi nila na magkadugtong yung bituka nating dalawa," sabi ni Bea sa isang video message.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Bea Alonzo (Screengrab mula sa YT/GMA News)

"I cannot wait for everyone to see and experience the greatness of a John Lloyd Cruz just like I did through the years," dagdag pa niya.

"You know that I will forever be your biggest fan and congratulations for your new show and I will see you very very soon."

Matapos mapanood ang mga video messages ng iba pang mga Kapuso stars, pahayag ni JLC:

"May isang napasama doon hindi ko pa siya kilala, si Ms. Bea Alonzo, sana po makatrabaho ko po kayo para malaman ko kung talagang nakatali 'yung bituka natin," biro niya.

At mukhang bet ni Lloydie na makatrabaho si 'First Yaya' na soon-to-be 'First Lady' na si Sanya Lopez.

"Sana mabigyan tayong lahat ng opportunity to work together. Kay Sanya also. Sana madalaw n'yo kami sa Happy Together," aniya.

Speaking of new projects, may katuturan naman pala ang 'Happy' sa pa-teaser kay JLC dahil ang magiging unang proyekto niya sa Kapuso Network ay ang sitcom na 'Happy Together' na idederehe ng dating direktor sa ABS-CBN na nasa GMA na rin, na si Direk Edgar 'Bobot' Mortiz.

John Lloyd Cruz officially signs as a Kapuso | The Manila Times
John Lloyd Cruz (Larawan mula sa IG/GMA Network)

Bukod sa pagbida, mukhang isa si John LLoyd sa magiging creative director nito.

As of this writing ay nagsagawa na sila ng isang video conference via Zoom kasama ang iba pang cast members na dating taga ABS-CBN ngunit ngayon ay freelancer na, gaya nina Jason Gainza, Janus Del Prado, Ashley Rivera, Frasco Mortiz, at Miles Ocampo.

Ayon naman kay Cristy Fermin sa kaniyang radio program nitong Nobyembre 8, may nakalinya na raw na pelikula si JLC na makakatambal niya ang perennial loveteam na si Bea subalit pauunahin muna raw ang pelikula nila ni Alden Richards.

Sumikat ang tambalang Bea at John Lloyd sa teleseryeng 'Kay Tagal Kang Hinintay' sa ABS-CBN, at simula noon ay nagtuloy-tuloy na ang kanilang tambalan, hanggang sa big screen. Ang mga tumatak na pelikula nila na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ay ang 'One More Chance,' 'Miss You Like Crazy', 'The Mistress', at iba pa. Huli nilang pelikula sa Star Cinema ang 'A Second Chance' noong 2015.