Iniulat ng Department of Health (DOH) na umaabot na lamang ngayon sa mahigit 30,000 ang mga aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Batay sa case bulletin #605, nabatid na nakapagtala na lamang ang DOH ng 1,409 mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Martes, Nobyembre 9.

Mas mababa ito ng 678 kaso kumpara sa 2,087 na naitala ng DOH noong Nobyembre 8.

Dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 2,806,694 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Sa naturang kabuuang bilang, 1.1% o 30,544 na lamang ang aktibong kaso o may potensiyal pang makahawa.

Kabilang naman sa active cases ang 60.7% na nakakaranas ng mild symptoms, 17.05 % na moderate cases, 10.0% na severe cases, 8.0% na asymptomatic o walang nararamdamang sintomas, at 4.2% na kritikal.

Mayroon ding 2,941 mga pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,731,583 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.3% ng total cases.

Mayroon pa rin namang 46 pasyente na namatay dulot ng COVID-19.

Sa kabuuan, nasa 44,567 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.59% ng total cases.

Mary Ann Santiago