Nanawagan sa publiko ang artista at si Heart Evangelista na maibalik sa kanya ang nawawala niyang alagang aso na may pangalang "Luka." P50,000 naman ang inilaan niyang pabuya sa makakagawa ng kanyang panawagan.

Una nitong pinaalam sa publiko na nawawa si Luka noong Nobyembre 3, sa kanyang Twitter.

"Help us find him," tweet ni Evangelista kasama ang isang screenshot ng kanyang Instagram story.

Una nitong sinabi na magbibigay siya ng pabuyang P10,000 sa makakapag-balik sa kanyang alaga.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Samantala, sa sumunod niyang bagong tweet, tinaasan nito ang pabuya na umabot na sa P50,000.

Aniya, "sana matulungan niyo kami … Baka na sa edsa siya ? He is very afraid of people so Baka nagtatago sa mga bridge … last seen outside dasma village , around alpha land."

Nag-iwan naman ng numero si Evangelista na maaaring tawagan kung may impormasyong nakuha ukol sa kanyang alagang aso.

Maaring tumawag sa numerong 09188882140 ang mga makakakita kay Luka.