Iniulat ng Department of Health (DOH) na bumaba pa sa mahigit 33,000 na lamang ang mga aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Batay sa case bulletin #603 ng DOH, nabatid na nakapagtala pa sila ng 2,605 mga bagong kaso ng sakit sa Pilipinas hanggang ngayong Linggo, Nobyembre 7, mas mababa ng kaunti kumpara sa 2,656 na naitala ng DOH noong Nobyembre 6.

Dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na sa 2,803,213 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang kabuuang bilang, 33,526 na lamang ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.Ito ay 1.2% na lamang ng total COVID-19 cases sa bansa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kabilang naman sa active cases ang 66.0% na nakakaranas ng mild symptoms, 15.41 % na moderate cases, 9.0% na severe cases, 5.7% na asymptomatic o walang nararamdamang sintomas, at 3.8% na kritikal.

Mayroon ding 3,901 mga pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,725,257 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.2% ng total cases.

Mayroon pa rin namang 191 pasyente na namatay dulot ng COVID-19.

Sa kabuuan, nasa 44,430 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.58% ng total cases.

Mary Ann Santiago