Milyonaryo na ngayon ang isang taga-Cagayan de Oro sa Misamis Oriental nang matamaan nito ang ₱8.2 milyong jackpot ng 6/42 lotto sa isinagawang bolahan nitong Sabado ng gabi.

Nahulaan ng nabanggit na mananaya ang winning combination 24 – 27 – 29 – 08 – 22 – 04.

Dahil dito, maiuuwi ng naturang mananaya ang total jackpot ₱8,244,527.20.

Pinayuhan ito ng PCSO na maaari lamang nitong makubra ang panalo sa Mandaluyong City Central Office ng ahensya at kailangan lamang magdala ng dalawang valid ID cards at iharap din ang winning ticket.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van