Kinaaaliwan ngayon sa social media ang isang groom na nakatanggap ng sorpresang regalo mula sa kaniyang bride, na isang bote ng toyo at isang chekeng naglalaman ng isang milyong piso!

Ibinahagi ng official photographer ng kasalan na si Kevin Marquez ang ilan sa mga kuha niyang litrato sa naging reaksyon ng groom na si Ver Joseph Farenas nang matanggap niya ang katuwaang regalo sa kaniya ng bride niyang si Eufra Ednalino-Farenas: isang bote ng toyo o soy sauce, at isang cheke na may ₱1M, pero mapapa-encash lamang umano sa taong 2071, sa taon ng kanilang 50th wedding anniversary!

May be an image of 4 people and people sitting
Larawan mula sa FB/Kevin Marquez Photography

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

May be an image of 3 people, people standing and flower
Larawan mula sa FB/Kevin Marquez Photography

May be an image of 4 people
Larawan mula sa FB/Kevin Marquez Photography

May be an image of 4 people and people standing
Larawan mula sa FB/Kevin Marquez Photography

May be an image of 5 people, people sitting, people standing and suit
Larawan mula sa FB/Kevin Marquez Photography

No photo description available.
Larawan mula sa FB/Kevin Marquez Photography

Ayon kay Eufra, gusto niyang iparating sa kaniyang mister na sana ay matanggap nito ang 'toyo' o mood swings niya paminsan-minsan. At ang cheke naman na may ₱1M na puwede lamang mapa-encash sa 2071 ay sumisimbolo naman sa mensahe niya na nais niyang makarating sila sa 50th wedding anniversary nila.

Wala umanong katumbas na halaga ang naging reaksyon ng kaniyang mister nang makita nito ang kaniyang 'munting' regalo.