Bumaba pa sa mahigit 34,000 na lamang ang mga aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sa case bulletin #602 ng Department of Health (DOH), nabatid na nakapagtala pa sila ng 2,656 mga bagong kaso ng sakit sa Pilipinas hanggang nitong Sabado, Nobyembre 6.
Dahil dito, umaabot na sa 2,800,621 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
Sa naturang kabuuang bilang, 1.2% na lamang o 34,866 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.
Kabilang sa active cases ang 67.1% na nakakaranas ng mild symptoms, 14.86 % na moderate cases, 8.7% na severe cases, 5.6% na asymptomatic o walang nararamdamang sintomas, at 3.7% na kritikal.
Mayroon ding 5,130 mga pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,721,516 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.2% ng total cases.
Mayroon pa rin namang 154 pasyente na namatay dulot ng COVID-19.
Sa kabuuan, aabot na sa 44,239 ang COVID-19 deaths o 1.58% ng total cases.
Mary Ann Santiago