Kinagiliwan ng mga netizens ang isang 'asong Pinoy' o aspin matapos kumalat sa social media ang litrato nito habang tahimik na nakaupo sa loob ng isang pampasaherong jeep kasama ang kaniyang amo, na siyang kumuha naman nito at ipinost sa social media.

Kuwento ng kaniyang fur parent na si Jorina Contapay, isinama niya ang kaniyang 3-year-old golden retriever-aspin mix adopted dog na si Haru sa pagbili niya ng dog food at isinakay rin sa pampasaherong jeepney sa Mandaluyong City noong Oktubre 27, 2021.

May be an image of dog and indoor
Larawan mula sa FB/Jorina Contapay

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

May be an image of dog
Larawan mula sa FB/Jorina Contapay

May be an image of dog and text that says 'ANTIR'
Larawan mula sa FB/Jorina Contapay

Aniya, sanay umanong bumiyahe si Haru dahil lagi itong sumasama sa kanilang pamilya kapag may biyahe sila gaya ng pamamasyal, out of town, o kapag umuuwi sa probinsya. Sanay umano ito sa jeep, kotse, o kahit sa motor.

Hindi naman siya kinatakutan ng mga pasahero dahil behave, sanay sa tao, at hindi naman umaangil si Haru sa iba pang mga pasahero sa loob ng naturang jeep.