Napanalunan ng isang lone bettor mula sa Pangasinan ang tumataginting na P125 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49, na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 4.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang winning combination na 05-03-10-17-43-49 kaya't naiuwi nito ang katumbas na jackpot prize na P125,692,139.20.

Nabili umano ng lucky bettor ang kanyang lucky ticket sa San Carlos City, Pangasinan.

Samantala, mayroon ring 15 bettors ang nakahula ng limang tamang numero at nakapag-uwi ng second prize ma tig-P50,000 habang 1,567 bettors naman ang nanalo ng tig-P1,200 para sa nahulaang apat na tamang numero.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Upang makubra ang kanilang premyo, pinayuhan ni Garma ang masuwerteng mananaya na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang valid ID at ang kanyang winning ticket.

Ang Super Lotto 6/49 ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Mary Ann Santiago