Nagpadala na ng sariling pangkat ang Commission on Human Rights (CHR) upang imbestigahan ang pagpaslang sa mamamahayag na si Orlando “Dondon” Dinoy noong Oktubre 30 sa Bansalan, Davao del Sur.

“Killings perpetrated against the media foster a chilling effect and help breed a climate of impunity,”sabi ni CHR sa pahayag ni Spokesperson Jacqueline Ann de Guia.

“A silenced media hampers the free flow of information and deprives the Filipino citizenry of much-needed information critical for discernment in national affairs,”giit ng komisyon.

Base sa mga ulat, sabi ni De Guia puwersahan na pinasok ng gunman ang inuupahang apartment ni Dinoy sa Mother Ignacia Street sa Poblacion Uno sa bayan ng Bansalan at pinagbabaril ang mamamahayag. Dead on the spot nang matagpuan si Dinoy.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Dating mamamahayag ng Newsline Philippines sa lungsod ng Davao at dating host ng isang programa sa Digos-based Energy FM si Dinoy.

Nagsilbi rin bilang correspondent ng Philippine Daily Inquirer at Sun.Star SuperBalita ang biktima.

“Currently, no motive for his killing has been established, but due to the nature of the crime and profession of the victim, the CHR will be looking closely into his line of work and his previous contacts,”sabi ni De Guia na isa ring abogado.

“It is especially disappointing that such incident occurs as we commemorate today, Nov. 2, the International Day to End Impunity for Crimes against Journalists,” giit niya.

“There is impunity (in media killings) when there is no accountability for crimes committed,”pagpupunto ng opisyal.

Binalikan ni De Guia ang ilang imbestigasyon na inilunsad ng CHR sa ilan pang meda killings sa nakalipas na anim na buwan. Binanggit ni De Guia ang pagpaslang sa abogadong si Gilda Mahinay Sapie at sa kanyang asawang si Muhaimen Mohammed Sapie, at Renante “Rey” Cortes--lahat ay naging sangkot sa ilang media programs.

Hindi pa rin naresolba ng mga awtoridad ang nasabing kaso, pagbabanggit ni De Guia.

Nagpahayag naman ng pag-asa ang CHR na tutugisin at aarestuhin ngPresidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang mga nasa likod ng pagpaslang.

Patuloy naman na makikipag-ugnayan ang CHR sa mga lokal na awtoridad sa pag-iimbestiga sa lahat ng potential leads sa mga kaso.

Jel Santos