Awtomatikong miyembro na ng National Health Insurance Program ng pamahalaan ang mga senior citizens sa bansa.

Ito ang paglilinaw ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President at Chief Executive Officer Dante Gierran at alinsunod aniya ito sa Republic Act (RA) 10645 at sa Universal Health Care Law of 2019.

Iniuutos aniya ng Section 5 ng RA 10645 na dapat saklaw na ng PhilHealth ang mga 60-anyos na mamamayan ng bansa. Dapat ding kunin ng National Government ang annual premium contributions ng mga ito mula sa kita ng RA 102351 (Sin Tax Law) basta hindi pa sila naging miyembro ng PhilHealth.

Mabibigyan din lamang aniya ng pribilehiyo ng pamahalaan ang mga senior citizens na walang pinagkakakitaan alinsunod na rin sa batas.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Gayunman, sinabi ni Gierran na dapat munang tiyakin ng mga senior citizen na nakarehistro sila o kaya updated ang kanilang rekord sa PhilHealth.

Nitong nakaraang Hunyo, aabot na sa 8.4 milyong senior citizen naitalang miyembro ng PhilHealth, hindi pa kabilang ang lifetime members na umabot na sa 1.3 milyong kung saan umabot na sa 3.3 milyon ang qualified dependents ng mga ito.

Gabriela Baron