Sinimulan na ng Quezon City government ang COVID-19 registration para sa mga menor de edad na walang comorbidities nitong Sabado, Oktubre 30.

(QUEZON CITY GOVERNMENT OFFICIAL FACEBOOK PAGE/MANILA BULLETIN)

Ayon sa city government, maaaring pumili ng schedule ng vaccination ang mga indibidwal simula Nobyembre 3 hanggang Nobyembre 6.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Maaari rin sila pumili ng kanilang vaccination site maliban sa mga ospital na ginagamit na vaccination sites para sa mga menor de edad na may comorbidities.

Puwedeng irehistro ng magulan o guardian ang kanilang anak sa QC Vax Easy Plus. https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy.

Nitong Oktubre 22, sinimulan ng lungsod ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa mga menor de edad na may comorbidities.

Allysa Nievera