Inaasahang babayaran na ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang ₱4.6 bilyong suweldo ng mahigit sa 9,000 overseas Filipino workers (OFWs).

Paliwanag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, ang nasabing bilyun-bilyong piso ay kumakatawan din sa kabayaran ng mga Pinoy workers na natapos na ang kanilang kontrata.

Ipinaliwanag ng DOLE, napilitang umuwi sa bansa ang mga nasabing manggagawa nang hindi sila suwelduhan ng kani-kanilang employer.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Umaasa si Bello na babayaran ng Saudia Arabia government ang naturang halaga sa nakatakdang pagbisita sa bansa ni Saudi Labor minister Ahmed al-Rajhi sa Disyembre.

"The unpaid salaries of our OFWs can be settled just in time for Christmas," ayon kay Bello.

Kamakailan, nagbanta ang Philippine government na magpapatupad ng deployment ban sa Gitnang Silangan kapag hindi pa rin nababayaran ng Saudia ang suweldo ng mga manggagawang Pinoy.