Iniutos ng Supreme Court (SC) na half-day lamang ang pasok sa mga korte sa buong bansa ngayong Biyernes, Oktubre 29.

Ito ay upang bigyang-daan ang paghahanda ng mga opisyal at kawani ng Korte Suprema na makadalaw sa puntod ng kani-kanilang mahal sa buhay sa panahon ng Undas, ayon kay Acting Chief Justice Estela Perlas.

Babalik sa trabaho ang mga ito sa Miyerkules, Nobyembre 3.

Nilinaw pa na 30 porsiyento lamang ng mga tauhan ng SC,appellate collegiate courts – Court of Appeals, Sandiganbayan, at Court of Tax Appeals sa National Capital Region (NCR) ang papasok sa opisina.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Pinahihintulutan lamang angappellate collegiate courts, kabilang ang mga trial court sa Metro Manila na magsagawa ngin-court hearings at iba pang paglilitis sa mahahalaga at urgent cases hanggang Nobyembre 5.

Naka-wellness leave pa rin si Chief Justice Alexander Gesmundo hanggang Nobyembre 5.

Rey Panaligan