Nitong Huwebes, Oktubre 29, ay nagpost sa kanyang Instagram si James Reid ng isang promotion date sa release ng bagong kanta ni Nadine Lustre.

@nadinegot a new anthem dropping at midnight. Aaand the MV will be out on the 30th,” caption ni James.

Magkahalong kilig at lungkot naman ang naramdaman ng Jadine fans sa hashtag na ginamit ni James na #NadineWaitForMe na tila titulo ng kanta at binigyan lang ng ibang kahulugan ng fans.

“Ako yung naco-confuse kung magmu move on na ba ako or kikiligin,” ani Sheena.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

“I can still feel the spark. Jadine forever and ever,” segunda ng isa namang nagngangalang Patricius.

“Paano kami makakamoveon neto kung ganyan pa rin kayong dalawa????” tila naguguluhang komento ng isa pang Jadine fan.

Matatandaang nasa ilalim ng music label na Careless, dating Careless Music Manila, si Nadine. And label ay itinatag ng ex-boyfriend nitong si James Reid at dating Pinoy Big Brother housemate na si Bret Jackson.

Nitong unang mga linggo ng buwan, napabalita ang umano’y lantarang relasyon ni Nadine sa isang nagngangalang Christophe Bariou, spekulasyong non-showbiz boyfriend ng aktres.