Inilabas ng Pasig City local government nitong Huwebes ang partial list ng mga scholar para sa school year 2021-2022.

Sa pamamagitan ng official Facebook page ng LGU, ipinost ang mga na-renew na 1,892 Senior High School eligible scholars kada barangay.

Dagdag pa nito, kung ang pangalan ay hindi kasama sa listahan ngunit nag-apply para sa renewal, antabayanan lamang ang official Facebook page ng LGU para sa susunod na listahan.

Ang application process, requirements, evaluation of approved applicants, at drop box locations ay matatagpuan sa official Facebook page ng lGU. Kung may katanungan tungkol sa scholarship application maaaring mag-email sa [email protected].

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Patrick Garcia