Nagbalik ala-ala ang mga fans nila James Reid at Nadine Lustre o sikat sa pangalang JaDine sa closer look ng bahay ni James sa Loyola Grand Villas, Katipunan, Quezon City. 

Minsan ding naging piping saksi sa sweetnes ng magkasintahan sa bawat sulok ng bahay ng aktor. 

Ibinahagi kasi ni James Reid sa Instagram ang ilang mga photos ng kanyang bahay na aniya, “My house is for sale!” 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Actually una niyang inanunsyo na ibebenta na niya ang kanyang bahay last year pa ng February after ng break-up nila ni Nadine.

Ang bahay ni James ay may 3-storey. Malaki ang lote dahil 1,000 square-meter, mayroon itong pitong bedrooms, large open space living areas, dalawang kitchens, mayroon ding soundproof recording studio, 25-m lap pool, gym, at six-car garage.

Lungkot lungkutan ang mga fans ng JaDine sa mga comment na sinabi nila. 

Ang isa ang sabi, “Too many memories over there.” 

Hirit naman ng isa, “Naiiyak ako. Parang lahat ng anggulo may pic si Nadz.” 

Sundot pa ng isang, “Whoever will buy this house is not buying just a house, he’s buying memories.”