Kinaaaliwan ngayon ang 'Miss Pares' restaurant sa Cavite dahil sa kakaiba nitong pagbibigay ng pangalan sa kanilang mga itinitindang meal: isa na riyan ang 'Step Dad' na binigyan nilang deskripsyon na 'Mas masarap pa sa hotdog ni Aljur.'

Matatandaang naging endorser ng isang produkto ng hotdog ang aktor na si Aljur Abrenica (huwag malisyoso!), kaya naman, tamang-tama ito sa meal na Step Dad, dahil kinapapalooban ito ng malaking German sausage, sinangag, dalawang bone marrows, at syempre, ang kanilang specialty na beef pares.

Ang Step Dad meal ay nagkakahalagang ₱199.

"(STEP DAD) for only 199"

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

"NOTE: mas masarap sa hotdog ni Aljur," ayon sa caption ng kanilang Facebook post, sa kanilang opisyal na page.

Larawan mula sa FB/Miss Pares

Bukod sa Step Dad, mayroon din silang 'High Blood Family' na binubuo naman ng dalawang bone marrows at pares, na nagkakahalagang ₱299.

Ngunit ang best-seller nila ay ang 'Putok-Batok Overload'na nagkakahalagang ₱645 hanggang ₱699, na kinapapalooban ng pares, bagnet, chicharon bulaklak, chicken skin, at bone marrows.

"Bone marrow is subject for availability ang sizes pero nakadepende pa rin tayo sa laman ng bone marrow para sulit kayo ka-kulto," anila.

Larawan mula sa FB/Miss Pares

Tinatawag naman nilang Ka-Kulto ang mga tagatingkilik nila.

Ano pa ang hinihintay mo, tikman na ang kanilang 'Step Dad' na mas masarap pa sa hotdog ni Aljur!