Nagpaantig sa puso ng mga netizens ang isang Facebook post sa 'Bisikleta Manila' kung saan makikita ang litrato ni Manny Herrera, isang padre de pamilya mula sa Bacoor, Cavite, na dumaan sa tindahan sa Metro Manila upang bumili ng bisikleta para sa kaniyang anak.

Ang nakatutuwa rito, puro tig ₱10 na barya ang ipinambayad niya.

"'The fruit of your own hard work is the sweetest.— Deepika Padukone,'" panimula sa caption ng Facebook post.

"The whole team is so proud of you sir Manny Herrera of Bacoor, Cavite for your hard work and determination in getting the bike of your dreams. May you and your son enjoy your new bike. Happy to see you today. We got so inspired!"

Human-Interest

Babaeng guro sa Batanes na 'buwis-buhay' na umaakyat sa flagpole, pinarangalan

May be an image of 1 person and indoor
Manny Herrera (Larawan mula sa FB/Bisikleta Manila)

May be an image of money
Manny Herrera (Larawan mula sa FB/Bisikleta Manila)

May be an image of 1 person and bicycle
Manny Herrera (Larawan mula sa FB/Bisikleta Manila)

Nagkakahalaga ang naturang bisikleta na ₱13,000 para may magamit ang kaniyang anak na lalaki. Napag-alamang matiyagang inipon ni Manny ang naturang mga barya.