Marami ang sumubaybay at nag-abang sa 'tell-all interview' ni Jessica Soho kay Kylie Padilla hinggil sa kinasasangkutang isyu nito, kaugnay sa hiwalayan nila ni Aljur. Napanood ito nitong Linggo ng gabi, Oktubre 24, sa award-winning magazine show na 'Kapuso Mo Jessica Soho'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/25/kylie-padilla-hindi-nangaliwa-i-never-had-any-extra-marital-relationships-with-other-men/">https://balita.net.ph/2021/10/25/kylie-padilla-hindi-nangaliwa-i-never-had-any-extra-marital-relationships-with-other-men/

Isa sa mga tanong ni Jessica sa aktres ay kung ano ang masasabi niya sa nililigawan ngayon ng mister na si AJ Raval, na kamakailan lamang ay humingi ng paumanhin kay Kylie, dahil sa pagse-share ng kontrobersyal na Facebook post ni Aljur, na nagsasaad na ang unang nangaliwa at nagtaksil ay ang misis nito.

“I actually wanted to talk to her kasi napagdaanan ko rin ‘yan, yung bina-bash ako dahil nililigawan ako," ani Kylie.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

“I wanted to talk to her to help her out on how to handle it para maiwasan lang yung nangyari ngayon. But my help’s not being asked so I will not give it na lang,” dagdag pa niya.

“I totally understand kung doon sila nanggagaling kasi siyempre, siya yung bagong nililigawan, eh. Naba-bash na sila. I’ve been on that side and I know how scary and confusing and sobrang nakakasira siya ng mental health, di ba?"

Kung siya umano ang tatanungin, sana raw ay hindi na muna inilabas nina AJ at Aljur ang kanilang 'sweetness' sa publiko at sinarili na lang muna. Si AJ kasi ang pinupukol ng mga batikos at itinuturong third party sa kanilang relasyon, bagama't ayon kay Kylie, ay may tatlong babaeng sangkot dito, subalit hindi na niya tinukoy.

Kaya sana raw ay huwag siyang sisihin kung naba-bash man ang dalawa ngayon (AJ at Aljur).

“But I wish na iningatan na lang nila. They can’t blame me for that too because we had an agreement that we can both see other people.

“I wish you guys are more careful. Don’t blame it on me,” ani Kylie.