Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Energy (DOE) sa posibleng ng pagkontrol ng mga kumpanya ng langis sa presyo ng kanilang produkto.

"Ang sinasabi ng iba, may kartel. Syempre 'pag kausap ko naman 'yung mga industry players, wala pong kartel," paliwanag ni DOE Secretary Alfonso Cusi sa isang radio interview nitong Lunes, Oktubre 25.

"Kaya tiningnan naman po ng Philippine Competition Commission po 'yan. Naiulog na rin po natin 'yan para matingnan po," sabi nito.

Kamakailan, hiniling ni Cusi sa mga kongresista na amyendahan ang Oil Deregulation Law matapos ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng kakapusan ng suplay nito sa buong mundo.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Layunin sana ng hirit na pag-aamyenda na magtakda ng hangganan ng pagtataas ng presyo sa produktong petrolyo upang maprotektahan ang kapakanan ng publiko.

Sinabi rin ni Cusi na wala siyang nakikitang masama sa sabay-sabay na price increase ng mga kumpanya ng langis dahil ang inaalala nito ay ang halaga ng kanilang itinataas.

"Yung mechanism ay in place naman at patas naman po ang pagpapatupad noong time of increase. Pero 'yung sa how much they are increasing or decreasing the price, 'yun po ang sinisilip natin," paliwanag pa ni Cusi.

Joseph Pedrajas