Isang lone bettor mula sa Parañaque City ang nagwagi ng P32 milyong jackpot prize sa Saturday night draw ng Regular Lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa isang paabiso na inilabas nitong Linggo, sinabi ni PCSO Vice Chairman at General Manager Royina Garma na matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 42-03-41-19-01-07 kaya’t naiuwi nito ang katumbas na jackpot prize na P32,981,785.40.

Ayon kay Garma, ang lucky ticket ay nabili ng lucky winner sa Parañaque City.

Upang makuha naman ang kanyang premyo, pinayuhan ni Garma ang mapalad na mananaya na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magpresinta ng dalawang balidong ID at ang kaniyang winning ticket.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, may 63 namang mananaya ang nagwagi ng tig-P24,000 na second prize matapos na makahula ng limang tamang numero, habang 2,062 bettors ang nakapag-uwi ng tig-P800 na third prize para sa apat na winning combinations na kanilang nahulaan.

Ang Regular Lotto 6/42 ay binubola ng PCSO tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ni Garma ang publiko na tangkilin ang kanilang PCSO games upang makatulong na makalikom ng pondo para sa kanilang health programs, medical assistance at services, at charities.

Mary Ann Santiago