Sinabi ni ex-Rep. Bayan Muna Neri Colmenares, lider ng Makabayan coalition, na kahit siya ay naitsa-puwersa sa senatorial slate ni Vice Pres. Leni Robredo, may posibilidad pa ring makipagtulungan siya sa bise presidente.

“My non-inclusion in her slate does not preclude us from continuing engagement and cooperation with her campaign on urgent issues that concern our people,” ayon kay Colmenares.

Binigyang-diin niya na ang mas mahahalagang isyu ay maharang ang pagbabalik ng pamilya ng diktador na si Ferdinand Marcos sa Malacañang at ang posibleng pananatili at pagpapalawig sa kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng pananalasa ng pandemic na patuloy sa paglumpo sa ekonomiya ng bansa.

"Our differences notwithstanding, let us not lose sight of the bigger fight before us. It is my hope that we continue to work together to defeat the forces of tyranny and corruption," anang Bayan Muna leader.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Si Colmenares ay isa sa apat o limang nominees na pinagpipilian para sa ika-12 puwesto sa tiket ni Robredo, kabilang si Federation of Free Workers president Sonny Matula.

Sa bandang huli, ang pinili ni Robredo ay si Matula.

Bagamat nakikipag-ugnayan si Colmenares sa kampo ng pangalawang pangulo, sinabi niya na siya at ang leftist Makabayan coalition na pinamumunuan niya ay hindi pa nakakausap nang personal si Robredo.

Bert de Guzman