Inihayag ng Department of Health (DOH) na pinahihintulutan naman ng pamahalaan ang pagdiriwang ng Halloween at Christmas parties, kung ito’y dadaluhan lamang ng mga magkakapamilya.

Paalala ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mass gatherings sa bansa ngunit kung ang pagdiriwang ay sa ‘bubble’ lamang ng pamilya ito ay pinapayagan naman nila, basta’t naipatutupad ng maayos ang umiiral na mga health protocols.

“Mass gatherings are still prohibited, [but those taking place] within the bubble of the family are allowed, but safety protocols needed to be implemented,” ayon kay Vergeire sa Laging Handa briefing.

Idinagdag pa ni Vergeire na dapat ring patuloy na umiwas ang publiko sa mga lugar na tinaguriang 3Cso yaong closed, crowded at close-contact places.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“I-recognize natin 'yan na 'yan po ang mga pinakamagbibigay ng impeksiyon sa pamilya,” aniya pa.

Dapat rin naman aniyang obserbahan ang health protocols sa mga outdoor gatherings.

Dagdag pa niya, kung nakakaramdam na ng mga sintomas ng COVID-19 ay mas makabubuting huwag nang dumalo sa pagtitipon.

Maging ang mga political aspirants ay pinaalalahanan rin naman niya na mag-obserba ng safety protocols sa kanilang campaign events.

“Paalala naman po sa ating local governments, alam naman po natin at naiintindihan natin na nagkakampanya na tayo. Sana tayo na po ang magkaroon ng responsibilidad na magkaroon ng ganitong safety protocols during our campaign period,” ani Vergeire.

Mary Ann Santiago