Tatakbo sa eleksyon sa 2022 ang tatlong anak nina Senador Bong Revilla at Bacoor City Mayor Lani Mercado.

Ngayong Biyernes, Oktubre 22, inanunsyo ni Mayor Revilla sa kanyang Facebook na tatakbo ang kanilang bunsong anak na si Ram Revilla.

“Ramon Vicente ‘Ram Revilla’ Bautista has filed his certificate of candidacy as Board Member of the 2nd district of Cavite," aniya sa kanyang post na hawak ni Ram ang kanyang COC kasama ang kanyang kapatid na si Ryan.

“He substitutes for his brother Bryan Revilla who will be the first nominee of AGIMAT Partylist,” dagdag pa niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Habang si Incumbent Cavite Vice Governor Jolo Revilla ay naghain ng kanyang COC bilang 2nd district representative noong Oktubre 7.

Samantala, ang actress-turned-politician naman ay naghain ng kanyang COC bilang representative ng 2nd District ng Cavite noong Oktubre 8.

Carla Deña