Muling nagtanghal sa Amerika ang batang Pinoy na si Peter Rosalita sa sikat na programa ni Ellen Degeneres na The Ellen Show.

Matatandaang sumikat ang batang singer matapos maging finalist sa pinakahuling edisyon ng America’s Got Talent (AGT).

Mula pang Abu Dhabi, muling lumipad ng Amerika si Peter para maging espesyal na guest ni Ellen.

Kinanta ni Peter ang “Never Enough” ni Loren Allred mula sa award-winning film na “The Greatest Showman.”

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Madamdaming kinanta ng batang Pinoy ang piyesa at tinapos ito ng isang sustinidong pagbirit. Umani ng standing ovation sa audience ng programa si Peter at pinuri ng sikat ni Ellen sa nakamamanghang talento ng bata.

Ilan sa mga Pilipinong nakatuntong sa parehong show sina Jake Zyrus, Arnel Pineda, at ang AGT alumnus na si Marcelito Pomoy.