Tuloy pa rin sa pagtanggap at pag-aksyon sa mga reklamo ang Office of the Ombudsman kahit nalalapit na ang halalan sa 2022.

Ito ang tiniyak ni Ombudsman Samuel Martires at sinabing kahit kandidato pa ang inirereklamong mga opisyal ng gobyerno ay hindi sila magpapairal ng special policy para sa mga ito sa panahon ng halalan, hindi katulad ng ibang ahensya ng pamahalaan.

"We will just treat them same withother cases. We, in the Office of the Ombudsman, treat all cases equally [even during election season],” pagdadahilan ni Martires.

“Whether election or not, a respondent or an accused in a case has the presumption of innocence,” katwiran nito.

National

VP Sara Duterte, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga

Matatandaang inihayag ng Commission on Audit (COA) nitong Oktubre 3 na inihinto nila ang pagbubuo ng grupo na magsasagawa ng special audit batay sa reklamo o petisyon laban sa mga politiko na nakapaghain na ng certificate of candidacy para sa 2022 national election.

Ipinaliwanag din ni Martires na kung mayroong "gag order" sa kaso ay hindi pinapahintulutan ang mga complainant na isapubliko ang kanilang kaso laban sa mga indibidwal, kandidato man ang mga ito o hindi.

Idinagdag pa ni Martires na sa panahon ng eleksyon, tumataas ang bilang ng mga reklamo na isinasampa sa Ombudsman laban sa mga kandidato at paniwala ng publiko, layunin lamang nito na masira ang pangalan ng mga inirereklamo.

Jel Santos