May payo si 'Senyora' para sa aktor na si Aljur Abrenica sa susunod na pagsisiwalat nito ng mga 'pasabog' sa side story niya sa hiwalayan nila ng ex-misis na si Kylie Padilla.

Aniya, sana raw ay ginaya na lamang niya ang estilo ni Paolo Contis, na kamakailan lamang ay hindi rin tinantanan ng mga Maritess dahil sa hiwalayan nila ni LJ Reyes, at pagsangkot naman dito ng katambal niyang si Yen Santos, sa pelikulang 'A Faraway Land'.

"Kung ako sayo Aljur humingi ako tips kay Paolo Contis paano maglabas ng statement! Medyo nahirapan kami basahin! Inenglish mo kami Aljur iba ka! Di gaya kay Paolo malinaw, may numbering pa bawat topic. Ganon dapat! #NanayKoSiLolit."

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Larawan mula sa FB/Senyora page

Lumabas kasi ang memes na may nagtangkang mag-edit sa grammar ng mahabang FB post ni Aljur.

Bukod dito, syempre ay hindi papaawat si Senyora dahil may pa-exam na kaagad siya sa mga Maritess at Mosang. NO CHEATING daw, paalala pa niya.

"Gising na mga mosang eto na ang ating Final Grading Exam in Marites 101! NO CHEATING! As in literal! No cheating talaga.

Deadline of Submission: 6PM."

image.png
Larawan mula sa FB/Senyora page

Hanggang ngayon ay wala pang malinaw na buwelta si Kylie Padilla hinggil sa mabigat na isyung ibinabato sa kaniya ni Aljur, bagama't may cryptic post na siya sa IG story niya, na palagay ng mga netizens ay patama sa aktor.