Matapos ang pagbasag ni Aljur Abrenica sa kaniyang katahimikan hinggil sa 'side story' niya sa dahilan ng naging hiwalayan ng ex-misis, sinundan naman ito ni Kylie Padilla ng mga cryptic posts sa kaniyang Instagram stories.

“Never underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistakes," aniya.

No description available.
Kylie Padilla (Larawan mula sa IG)

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Ibinahagi rin ni Kylie na nakikinig siya sa awitin ni Adele gaya ng 'Easy on Me', awitin ni Billie Eilish na 'Happier Than Ever,' at awitin ni Miley Cyrus na 'Wrecking Ball.'

Sa pahayag ni Aljur, sinasabi niya na hindi siya ang naunang nagtaksil sa kanilang relasyon, kundi si Kylie umano. Hinihimok niya ito na isiwalat na ang katotohanan dahil si Aljur lamang at si AJ ang binabanatan ngayon ng publiko. Binanggit pa niya na alam umano ng kaniyang biyenan na si Robin Padilla ang tunay na rason ng kanilang hiwalayan.

Matatandaang noong Hulyo, kay Robin na mismo nanggaling na totoong hiwalay na ang anak kay Aljur, at batay sa kaniyang pahayag, mukhang si Aljur umano ang may third party.

Pagkatapos nito, lumabas naman ang pahayag ni Kylie na co-parenting na lamang sila ni Aljur para kina Alas at Axl.

Nang lumabas naman ang isyu ng 'pagkakamabutihan' nina Aljur at AJ Raval, sinabi ni Kylie na wala na siyang pakialam dito, at malaya naman daw ang kaniyang ex-hubby na makipag-date sa kahit na kaninuman. Sinabi rin niya na hindi si AJ Raval ang third party sa kanilang relasyon.

Sa pasabog na ito ni Aljur, naghihintay ang mga Maritess sa pagiging opisyal na pahayag ni Kylie hinggil sa isyung ito.