Hindi na natiis na hindi magsalita ni Jason Tesorero, ang kapatid ng pumanaw na komedyanteng si Noemi Tesorero o mas sikat sa pangalang Mahal, tungkol sa mga patutsada ng mga bashers sa kanila. Ibinahagi niya ito sa Youtube Channel na 'Mahal'. Ikinukumpara kasi ng mga netizens ang pagmamahal na ibinigay nina Jason kay Mahal, sa rumored boyfriend ni Mahal na si Mygz Molino.

Nanggigigil na nagbigay ng pahayag si Jason upang ipaliwanag ang mga bagay-bagay tungkol kay Mahal at kay Mygz. Hangga't maaari daw, ayaw na ng pamilya nilang manisi sa kung ano ang masaklap na nangyari sa kanilang kapatid dahil nga pumanaw na raw ito.

No description available.
Jason Tesorero (Screengrab mula sa YT)

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

No description available.
Jason Tesorero (Screengrab mula sa YT)

Sobra na raw ang mga banat na pamba-bash sa kanila ng mga netizens kaya't naglabas na si Jason ng mga saloobin kausap ang mga bashers. Hindi na nila kinaya ang mga panghuhusga ng mga tao in favor kay Mygz Molino. Kahit mga katago-tagong kuwento ay isiniwalat niya.

Pati usaping pera ni Mahal ay inilahad niya. Inungkat din niya ang isyu na napabayaan umano ng kampo ni Mygz si Mahal kaya humantong ito sa pagkamatay nito. Hindi umano sila naninisi pero sinasabi lang daw nila ang totoo.

Maging ang pagba-vlog ng dalawa ay nakuwestyon din ni Jason. Hindi raw ipinaalam sa kanila na pati mga kamag-anak at buong angkan ni Mygz ay magagamit si Mahal sa vlogging.

Bumuhos na rin ang kaniyang emosyon habang hawak ang cellphone ni Mahal habang binabasa ang palitan ng mga text sa cellphone ng manager ni Mahal. Aniya, sa text ay sinabi umano ni Mahal na wala na raw siyang gamot. Dito na naiyak si Jason. Aniya, "Bakit hindi dinala ng maaga sa hospital? Alam nilang lagnat, bakit hindi dinala sa hospital? Noong dinala nila 50-50 ilang oras lang patay na agad."

No description available.
Jason Tesorero (Screengrab mula sa YT)

No description available.
Jason Tesorero (Screengrab mula sa YT)

"Kita ninyo inaantok na raw siya. Narinig ninyo naman inaantok na di ba? Kung inaalagaan nila 'yan dapat tinatanong nila kung anong nararamdaman ni Mahal. Ano kayong mga bashers kayo? Ano huh? Panay ang kumpara ninyo sa pagmamahal namin kay Mahal. Imbes na hindi na kami masasaktan, nasaktan na naman kami. Ipag-pray natin ang kapatid ko."