Itataya umano ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang kaniyang pangalan kung hindi totoo ang chika sa kaniya ng mga impormante hinggil sa kung gaano umano 'kaangas' ang ugali ng dating 'It's Showtime' director na si Direk Bobet Vidanes, ayon sa kaniyang radio program na 'Cristy Ferminute' na umere nitong Oktubre 18, 2021 sa YT channel nito.

Pinadalhan siya ng text messages at mismong siya ang nagbasa tungkol umano sa mga masasamang salitang sinasabi dati ni Direk Bobet sa mga It's Showtime hosts na sina Vhong Navarro at Vice Ganda at Vhong Navarro. Sabi sa text na huwag magsisinungaling at magkakaila si Direk dahil narinig mismo ito ng mga cameramen at floor director n naturang noontime show.

"Merong text sa akin na ganito ang sinasabi, 'Nay, sinungaling si Bobet. Lagi niyang sinasabi, 'Ang bobo ni Vhong Navarro'. Si Vice naman, 'Basura talaga ang ugali ng bakla'. Naririnig 'yun ng mga cameramen sa headset. 'Huwag siyang magsinungaling'.”

“'Yung mga sinasabi niya, siyempre nadidinig ng mga cameramen at saka ng floor direktor. Hindi lang siya nakakadinig niyon," saad ni Cristy.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Hindi siya pupwedeng magsinungaling kasi 'yung mga sinasabi niya habang nasa booth siya, nadidinig. Naka-headset ang mga floor director at cameramen.”

Pati umano ang mga dancers ng show ay sinasabihan niya na “Ang bobobo talaga ng mga babaeng 'to. Magaling lang magsayaw”.

"Alam mo kaya itong si Direk Bobet eh hindi siya nag-iingat eh, hindi siya nag-iingat. Hindi naman lahat ng sasabihin niya ay paniniwalaan. Alam mo ang tingin ko sa kaniya, isa siyang kapitan ng barko na noong lumulubog na ang kanilang sasakyan, siya ang unang tumalon at iniwan ang kaniyang mga pasahero at tripulante," matapang na pahayag ni Cristy.

"Nasaan na ngayon ang walang iwanan? Neknek mo, hindi ba? Iyon lang iyon. Walang lihim na hindi nabubunyag," pahabol pa ng showbiz columnist.

Hihintayin umano nila ang magiging pahayag ng mga It's Showtime hosts lalo na si Vice Ganda.

Matatandaang sa unang anibersaryo ng 'Lunch Out Loud', naging emosyunal si Direk Bobet nang basagin niya ang katahimikan hinggil sa ginawa niyang paglisan sa It's Showtime, dahil umano sa 'toxic environment' doon. Lumabas na rin ang kaniyang mga panayam na umano'y mamamatay siya nang maaga kapag nanatili pa siya roon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/12/direk-bobet-sa-paglayas-sa-its-showtime-mamamatay-ako-nang-maaga/">https://balita.net.ph/2021/10/12/direk-bobet-sa-paglayas-sa-its-showtime-mamamatay-ako-nang-maaga/

Batay sa mga pahayag ng direktor, mukhang may hindi rin sila pagkakaunawaan ng Star Magic Head na si Direk Laurenti Dyogi dahil hindi niya umano ito kilala; bagay na imposible dahil halos dalawang dekadang nagtrabaho ang direktor sa ABS-CBN.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/14/direk-bobet-bakit-hindi-kilala-sina-direk-lauren-at-ex-wife-na-si-cory-vidanes-may-hidwaan-ba/">https://balita.net.ph/2021/10/14/direk-bobet-bakit-hindi-kilala-sina-direk-lauren-at-ex-wife-na-si-cory-vidanes-may-hidwaan-ba/

Samantala, wala pang tugon o pahayag si Direk Bobek hinggil sa mga ibinunyag ni Cristy sa kaniyang radio program.