Gaano ka na kabagot sa bahay dahil sa quarantine?

Viral ngayon ang Facebook post ni JohnPaul Arao na nagpapakita ng kaniyang mga litrato habang nakasuot ng school uniform para gumala dahil sa labis na pagkabagot sa bahay. Nakasuot naman siya ng face mask.

"Sa sobrang boring sa bahay gumala na lang ako ng naka-uniform. Kuyang naka motor: May pasok ka na? Ako: Opo, may sarili po akong face to face classes," ayon sa kaniyang caption.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

JohnPaul Arao (Larawan mula sa FB)

Nakaka-miss na rin kasi umano ang pagsusuot ng school uniform, lalo na't hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapayagan ang face to face classes dahil sa pandemya. Ngunit sa Nobyembre ay magkakaroon ng limited testing para sa unti-unting pagbabalik ng physical classes, sa mga lugar na mababa lamang ang kaso ng COVID-19.

Samantala, as of this writing ay umabot na sa 81K reactions at 78k shares ang kaniyang viral FB post.