Naispatang tila sweet sa isa't isa sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao habang kasama ang couple na sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago, sa kanilang bakasyon sa Bohol. Tanong ng marami: may relasyon na ba sina Papa P at Shaina?

Piolo Pascual, Shaina Magdayao, Jodi Sta. Maria, at Raymart Santiago (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Kumakalat na ngayon sa social media platforms ang mga larawan nina Piolo at Shaina habang magkayakap, magkahawak-kamay, at isang eksena sa motorboat kung saan nakahiga si Piolo sa mga binti ni Shaina.

National

Hontiveros sa pagsailalim kay Guo sa PNP custody: 'Napaka-iregular ng mga nangyayari'

Hindi malinaw kung talaga bang magkakasama silang nagpunta roon o nagkita-kita lamang.

Piolo Pascula at Shaina Magdayao (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Matatandaang noong Setyembre 2020, bagama't hindi sila lantad masyado, inamin ni Raymart ang relasyon nila ni Jodi.

Samantala, walang kumpirmasyon mula kina Piolo at Shaina kung ano ang espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa, bagama't ilang beses na ring nali-link ang dalawa sa isa't isa.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Pebrero 2017, inamin ni Piolo na exclusively dating na sila ni Shaina sa loob ng 5 taon. Inamin naman ni Shaina na 'very present' sa buhay niya si Piolo, at totoong madalas silang nagkikita. Halo-halo ang reaksyon ng mga tao rito: may mga nagsasabing bagay naman sila, at may mga nagsasabi namang hindi sila bagay.

Ayon sa mga netizens, wala namang masama kung magkaroon na nga ng espesyal na ugnayan sina Piolo at Shaina dahil pareho naman silang single.