Muli na namang nakatikim ng malutong na mura ang television host na si Willie Revillame sa kanyang sariling programa matapos maka-encounter ng kapapanganak pa lang na winner at inakalang scam ang natanggap na tawag.

Kamakailan lang ay isang iritableng winner ang nabunot ni “Kuya Will” sa isa sa kanyang segment sa programang Wowowin.

Hindi kasi naniniwala ang winner na ang tv host talaga ang kausap sa kabilang linya. Dahil sa pagkabuwisit, unang binabaan si Kuya Will.

Muling tinawagan ng tv host ang winner.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Bakit mo ko binabaan? Ayaw mo ng jacket? Ayaw mo ng tablet? Ayaw mo ng 5,000 Shopee pay bonus? Ayaw mo ng 20,000?” ani Kuya Will.

Ngunit hindi pa rin kumbinsido ang winner at inakalang scam ang natanggap na tawag.

“Sge, scam pa. Manloko ka pa,” naiinis na tugon ng winner.

Dahil ‘ di tinantanan ni Kuya Will, ‘di na napigilan ng winner at nakapagmura sa linya.

“Scam pa, scam pa!” giit pa rin ng winner.

Kalauna’y naniwala ang winner nang kantahan ito ng tv host.

Kinilalang si Mary Rose, 30, ang masuwerteng nanalo sa programa.

Napag-alaman ng tv host na kapapanganak lang nito kaya’t maliban sa halagang P20,000 na dapat matanggap ng winner, dinagdagan niya pa ito ng P10,000 bilang pantustos sa bayarin sa ospital.

Masayang natapos ang tawag na kalauna’y nakumpirma ni Mary Rose na naka-ere nga sa telebisyon ang usapan.