Nagbigay ng reaksyon ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate at character actress na si Dionne Monsanto sa pahayag ni Senador Imee Marcos hinggil sa 'pagkaasar' nito sa hindi matapos-tapos na debate at argumento hinggil sa kanilang pamilya, gayong mas kailangang pag-usapan umano ang mga posibleng solusyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa.

“Ay, Ghorl, it’s a tie. Kasi kami rin sawang-sawa na sa hindi n’yo pag-ako ng mga kasalanan n’yo sa Pilipinas," pahayag ni Dionne sa tweet.

Dionne Monsanto (Larawan mula sa Twitter)

Pagdagsa ng mga pasahero sa PITX, inaasahang papalo ng 3 milyon ngayong holiday season!

Hindi raw kasi maintindihan ng senadora kung bakit patuloy na nauungkat ang isyu hinggil sa kaniyang mga magulang noon pang dekada 70.

“Hindi ko nga maintindihan ‘yong mga isyu ng tatay ko na one million years ago eh, nauungkat. I think we really need to look to the future, there are so many, really serious problems that confront us.”

“Naririnig ko pa rin ‘yung debate sa tatay ko. Eh mabuti naman na matuto sa mga nakaraan. Pero nandito na tayo. Alamin na natin kung ano’ng gagawin para sa ngayon at sa hinaharap. ‘Yung mga mali, ‘wag nang uulitin, s’yempre. Tapos ‘yong magaganda naman, ituloy na.”

“Nagiging corny na, eh, para bang, napaka-irrelevant sa panahong ‘to. Nakakaasar. Nagpapataasan ng kilay at ihi or whatever. Nakakainis. Corny. Kasi ang daming problema… Stop it, stop it! We have to show the way forward na may pag-asa pa.”