Inihayag ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at ng Makabayan coalition na hindi sila nagkaroon ng oportunidad na makausap si Vice President Leni Robredo kung kaya hindi napasama ang kanyang pangalan sa listahan ng tiket ng pangalawang pangulo.

Sa isang pahayag, sinabi ng Makabayan na ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi nila iniindorso si Robredo bilang kandidato ng kanilang koalisyon.

“Neri and Makabayan have not had the opportunity to talk with VP Leni. They have sought a dialogue many times not just to unite on the anti-Duterte and anti-Marcos stand, but more importantly a platform for change that would benefit the people,” anang Makabayan.      

“While there are common points on current issues, there are also long-term issues to consider. This meeting is important for a political coalition like Makabayan that represents the marginalized sectors of society,” dagdag ng grupo. 

PBBM, inalala si 'Apo Lakay' sa 107th birthday: 'His wisdom remains a guiding force!'

Binigyang-diin ng Makabayan na bagamat ang pangunahing adhikain ay talunin ang mga Marcos at Duterte, kailangan ding talakayin ang mga reporma sa susunod na anim na taon, kabilang ang land reform, national industrialization, labor contractualization, at peace process.

Niliwanag ng Makabayan na hindi pa sila nag-eendorso ng sino mang presidential bet hanggang ngayon dahil nasa proseso pa sila ng pakikipag-usap at konsultasyon sa mga kandidato tungkol sa mga plataporma at programa para magapi ang administrasyon at ang mga Marcos.

Itinanggi rin ng Makabayan coalition na inendorso nila si Manila Mayor Isko Moreno o si Senator Manny Pacquiao.

Hindi rin aniya batid ng mga kasapi ng Makabayan ang tunay na dahilan kung bakit hindi isinama si Colmenares sa senatorial slate ni Robredo. Una rito, sinabi ni Colmenares na kinontra ni ex-Sen. Antonio Trillanes na mapabilang siya sa tiket ng pangalawang pangulo.

Bert de Guzman