Naranasanmo na bang magpapicture sa mga artistang hindi mo naman kilala?

Kumakalat ngayon sa social media ang Facebook post ni Loisa Andalio noong July 2014 na nagpapicture siya kay Janella Salvador at sa hindi niya kilala umano na artista.

"With Janella Salvador and [hindi ko kilala]" ani Loisa sa caption ng post niya.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Screenshot mula sa Facebook post ni Loisa

Ang artistang hindi umano niya kilala noon ay si Michelle Vito.

Kinagiliwan ng mga netizens ang post na ito ni Loisa nang magsimula ulit ito kumalat.

Samantala, noong July 24, 2021, shinare ni Loisa ang screenshot ng viral post at sinabing: "Sana po malinawan na kayo. Ches Velasco, bakit naman kasi hindi mo kilala si Michelle Vito. Ako tuloy nasisi. Fyi. friends po kami ni Michelle."

Screenshot mula sa Facebook post ni Loisa

Si Chel Velasco ang isa sa mga admin ng page ni Loisa na siya umano ang hindi nakakakilala kay Michelle.

As of this writing, umani ito ng mahigit 244,000 Facebook reactions at 34,105 shares.

Nakilala si Loisa Andalio nang sumali siya "Pinoy Big Brother" noong 2014.