Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa Oktubre 19.

Sa anunsyo ng Pilipinas Shell, magtataas ito ng 1.80 sa presyo ng kada litro ng gasolina, 1.50 sa presyo ng diesel at 1.30 naman ang idadagdag sa presyo ng kerosene nito, dakong 6:00 ng umaga.

Agad na susunod sa kaparehong hakbang ang mga Seaoil, Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz at PTT Philippines.

Ang bagong price adjustment sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ito na ang ikawalong sunod na linggong nagpatupad ng dagdag-presyo ang mga kumpanya ng langis.

Bella Gamotea