Mukhang may posibilidad na tuluyang magkabalikan at bigyan ng second chance ni Jennica Garcia ang kaniyang mister na si Alwyn Uytingco.

Pinag-usapan ng mga netizens ang latest Facebook post ni Alwyn kung saan tinawag niya si Jennica na 'Habibi' o salitang Arabic na nangangahulugang 'my love'. Kalakip din nito ang kanilang litrato.

Ayon kay Alwyn, hindi niya umano deserve ang magkaroon ng isang pamilya, kagaya ni Jennica at mga anak nila. Aminado rin umano siya na hindi niya deserve na mabigyan ng pangalawang pagkakataon.

"When God gives you something you don’t deserve, that’s what He calls grace. I have to admit, I don’t deserve my family. I don’t deserve a second chance. Please don’t get me wrong, I will do everything for another chance in this life. And I will fight the good fight to retake my family. Yet I realize that it's impossible to achieve if I rely on my strength alone," aniya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Pinasalamatan niya ang misis sa pagbibigay sa kaniya ng pangalawang pagkakataon at hindi pagsuko sa kaniya.

"Without God and His guidance, His grace.. I am with no purpose. And without my wife’s boundless patience and love.. I will be lifeless. Thank you, mahal, for not quitting on me. Thank you for letting me continue this life we started together. Thank you for giving me a wonderful gift of ‘second chance’, and one that I don’t deserve at all."

“Just because the past is painful doesn’t mean the future will be. I will always be your Habibi. Till death do us part. I love you."

Alwyn Uytingco at Jennica Garcia (Larawan mula sa FB)

May be a black-and-white image of one or more people, people standing and cloud
Alwyn Uytingco at Jennica Garcia (Larawan mula sa FB)

Sa panayam naman ng 24 Oras kay Jennica, sinabi niya na pursigido umano ang kaniyang mister na magkabalikan sila.

"I am very thankful to Jesus because He heard my prayers. He gave me what I was hoping for—for Alwyn to come back to us. He expressed his desire for family restoration."

Marami sa mga netizens ang natuwa para sa kanilang dalawa, lalo't uso ngayon ang hiwalayan ng mga mag-asawa o magjowa sa showbiz.

Buwan ng Mayo nang ihayag ni Jennica na hindi na buo ang kanilang pamilya. Hulyo naman nang magpahayag si Alwyn na nais niya ulit ayusin kung anuman ang gusot nila ng misis.

Ikinasal silang dalawa noong Pebrero 2014.