Tila ayaw pa rin paawat ni Megastar Sharon Cuneta sa mga bashers na patuloy na nambabato ng mga 'bastos' at masasakit na salita laban sa kaniya at sa mister na si Senador Kiko Pangilinan, na tumatakbo sa pagkabise-presidente sa ilalim ng tiket ni VP Leni Robredo, na tumatakbo naman bilang presidente.

Matapos ang kaniyang mga matatapang na social media posts kaugnay sa mga bumabatikos sa kanila at maging sa 'pang-aagaw' umano nila ng kulay-pulitikal, may panibagong banat na naman si Mega sa mga bashers.

"Pag sumagot ka sa bashers, galit sila. Kahit di ikaw ang nag-umpisa at nagre-react, nagsasabi lang ng facts. At least, ipinakikita nila ang 2016 pa nating alam: sumobra na ang pambabastos sa kapwa."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sharon Cuneta (Larawan mula sa IG)

May kalakip na photo message ang post ni Mega.

"Apparently, when you treat people the same way they treat you, they get offended," nakasaad dito.