Magbubukas muli ang National Museum of the Philippines (NMP) sa Martes, Oktubre 19.

Noong Biyernes, Oktubre 15, inanunsyo ng NMP sa kanilang Facebook page ang mga safety protocols na ipatutupad sa museum sa muling pagbubukas nito.

Sinabi rin nito na ang mga fully vaccinated lamang ang maaaring makapasok sa museum complex.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Ang mga bibisita ay kailangan magpa-reserve online isang araw bago ang pagpunta.

Para magbook ng slot, bumisita lamang sa website ng NMP www.nationalmuseum.gov.ph at pindutin lamang ang "book a tour."