Para sa mga may ateng magaganda, baka naman may maireto kayo kay Xander Ford, dahil batay sa kaniyang latest Facebook post, ito ang hanap niya.

"BAKA MAY ATE KAYONG MAGANDA ARBOR NA," ayon sa caption nito, kalakip ang kaniyang mga litrato. Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga bashers.

May be an image of 1 person, footwear, sky and tree
Larawan mula sa FB/Xander Ford

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

May be an image of 1 person, standing and outdoors
Larawan mula sa FB/Xander Ford

May be a closeup of 1 person, standing and outdoors
Larawan mula sa FB/Xander Ford

"May kapatid po akong maganda pero ayaw kitang maging bayaw, kawawa mga pamangkin ko baka magmana sa 'yp noong hindi ka pa niretoke."

"Oh mga ates, baka naman may gustong pumatol hahahaha."

"Sayang may jowa at asawa na yung kapatid ko. Idol na Idol kita Xander, sana huwag ka magbago at sana mabuhay ka hanggang gusto mo hahahaha, char!"

May mga netizens naman na nagtatanggol kay Xander Ford sa kabila ng mga okray na natatamo nito sa tuwing nagpo-post sa social media.

"Ito yung taong kahit kailan di na pinakawalan ng mga Pinoy sa panghuhusga at panlalait. Nakagawa man siya ng mali, tao lang din 'yan, tandaan n'yo sa ginagawa n'yo sa kaniya, wala na rin kayong pinagkaiba, Pinoy problem, hindi lahat pero almost nakakalungkot lang na binago ng tao yung sarili niya para sana makawala sa bangungot ng panghuhusga pero dahil mas malansa nga ang pag-uugali ng iba, wala pa rin siyang kawala."

"Kuya, ate huwag naman po kayo ganyan sa kapwa n'yo dahil kung kayo kaya ang nasa sitwasyon niya tapos ganyanin din kayo ng kapwa n'yo, di ba ang sakit? Pare-pareho lang naman tayong mga tao na may mga kapintasan din. Bago mamuna, tingnan muna ang sarili sa salamin."

"Wala namang ginagawang masama sa inyo yung ao, kung ayaw ninyo, huwag na lang pansinin, hindi yung halos murahin n'yo na buong pagkatao. Baka nga mas pangit pa kayo sa kaniya ngayon eh. At least sa kaniya, nabago, eh kayo? Pangit pa rin!"

Si Xander Ford o Marlou Arizala ay social media personality at internet sensation na nakilala bilang miyembro ng 'Hash5T' kung saan, sumailalim siya sa extreme make-over sa pamamagitan ng pagpaparetoke.