Arestado ng Quezon Police District (QCPD) ang dalawang hinihinalang carnapper sa isang dragnet operation nitong Biyernes, Oktubre 15.

Sa ulat ni Fairview Police Station 5(PS 5) officer-in-charge Police Lieutenant Colonel (PLTCOL) Joewie Lucas, ang biktima na si Sammar Odin, 42, ang nag-ulat ng insidente matapos puwersahan siyang pababain sa kanyang taxi at kalauna’y tangayin ng dalawang suspek ang sasakyan. Nagpanggap umanong pasahero ang mga suspek.

Sa madaling araw nitong Biyernes, na-pick up ni Odin ang mga suspek sa isang gas station sa kanto ng Tandang Sora sa Quezon City.

Papunta na sa isang mall sa Fairway, kasunod na puwersahan pinababa si Odin sa kanyang sasakyan.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Matapos ang ulat ng biktima, agad na naglunsad ng operasyon ang QCPD at binantayan ng lahat ng checkpoints sa lugar kung saan kalauna'y natunton ang dalawang suspek.

Natukoy ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Ramil Olalia, 42, residente ng Sta. Cruz, Manila, at Anthony Faeldon, 28, mula naman sa Brgy. Pasong Tamo.

Narekober ng mga pulis ang Toyota Vios taxi, replika ng .45 kalibreng baril at isang improvised icepick.

Paglabag sa Republic Act 10883 or the New Anti-Carnapping Law, at R.A 10591 or Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Actang kahaharapin ng mga suspek.

Aaron Dioquino