Ipinagmalaki ng Department of Tourism (DoT) na nakakuha ng limang nominasyon ang Pilipinas sa prestihiyosong 28th World Travel Awards sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Kaya naman sa panawagan ng ahensya na iboto ang bansa kung saan nakatanggap ito ng nominasyon sa mga sumusunod na kategorya:
1. World’s Leading Beach Destination 2021
National
#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20
2. World’s Leading Dive Destination 2021
3. World’s Leading Island Destination 2021 (Siargao Island)
4. World’s Leading Tourist Attraction 2021 (Intramuros)
Ang botohan ay magtatapos sa Oktubre 25 at makakalaban ng Pilipinas ang iba pang bansa katulad ng Maldives, Thailand, Mexico, Hawaii, Kenya, Greece at iba pa.
Noong 2020, humakot ang Pilipinas ng dive destination award at itinanghal naman ang Intramuros bilang World’s Leading Tourist Attraction.
Sa panahon ng COVID-19 pandemic, isa sa napuruhan ng matindi ang industriya ng turismo kung kaya’t sa ganitong mga patimpalak ay umaasang maibabalik ulit ang sigla ng turismo sa bansa sa oras na makabangon na mula sa epekto ng pandemya.