Inanunsyo ng Malabon City government nitong Martes ang simula ng pre-registration ng COVID-19 vaccination para sa mga batang may edad 12 hanggang 17.

Inabisuhan ng city government ang mga magulang na fill up-an ang mga health form na ipinost sa Facebook page ng LGU.

Gamit ang mga impormasyon sa health form, dito malalaman kung maaaring tumanggap ng bakuna ang mga bata. Ito rin ang pahintulot na ma-inoculate ang kanilang mga anak. 

Dagdag pa ng local government, sa oras na payagan ng Department of Health na mabakunahan ang mga menor, uunahin nilang i-administer ang mga batang unang nagparehistro.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa Metro Manila sisimulan ang pilot implementation ng COVID-19 vaccination.

Allysa Nievera