Namigay ng set ng skin care product ang YouTuber at councilor aspirant na si Rosemarie "Rosmar" Peñamora Tan sa kanilang distrito.

Sa TikTok video ni Rosmar, ipinakita nito ang pamamahagi niya ng rejuvinating set at eco bag na naglalaman ng mga goods.

Malayang nakapipili ang mga nakapila sa kung ano ang nais nitong matanggap mula sa YouTuber.

Ang programang ito ni Rosmar ay nagsimula matapos maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) bilang konsehal ng ika-4 na Distrito ng Sampaloc, Maynila.

Probinsya

Grade 10 student, ginilitan jowang 14-anyos na babae matapos hindi makaiskor?

Si Rosmar ay isang kilalang personalidad sa social media. Mayroon na siyang 417K subscribers sa YouTube at 7.8M followers sa TikTok.

Samantala, umabot na sa 1.2M likes ang TikTok video nito na namimigay ng rejuvinating set.