Patuloy ang pagpapalawak ng Philippine Red Criss (PRC) sa kanilang hakbang sa pagbabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) kasunod ng pagbubukas ng ika-24 vaccination center sa La Union noong Oktubre 8.

Sa pagbubukas ng pasilidad nasa 60 indibidwal sa priority groups A1 hanggang A5 ang nabakunahan ng AstraZeneca sa kanilang dry-run.

“Our goal as the premier humanitarian organization in the country is to build back better from the COVID crisis to ensure a healthier, fairer world for all,” ani PRC Chairman and Chief Executive Officer Senator Richard Gordon.

Matatagpuan sa Rotary Service Cenyer, Paringao sa bayan ng Bauang ang bagong pasilidad na magsisilbi sa mga residente ng La Union.

Eleksyon

Mga opisyal at kawani ng Manila City Hall, pinaiiwas ni Mayor Honey sa pamumulitika

“We have over 18 staff and volunteers mobilized for the Bakuna Center made up of four vaccinators, four physicians, and 10 support volunteers,”sabi ni PRC La Union Chapter Administrator Almira Abrazado.

Donasyon mula Mcdonald’s La Union ang ginamit na bakuna sa dry-run ayon sa PRC.

Babase sa supply ng bakuna na ilalagak ng lokal na pamahalaan ang magiging operasyon ng bagong bukas na Bakuna Center.

Nitong Setyembre 17, binuksan naman ng PRC ang ika-23 “Bakuna Center” sa Light Industry Science Park II (LSPI) sa Barangay Real, Calamba Cityna magbabakuna sa mga nasa A4 category.

John Aldrin Casinas