Pumanaw na si Human Rights Chairperson Jose Luis Martin "Chito" Gascon, 57-anyos, kinumpirma ito ng Commission on Human Rights (CHR) nitong Sabado, Oktubre 9.

Sa isang Facebook post, inanunsyo rin ito ng kanyang kapatid na si Miguel.

“Sa dami mong Laban, sa COVID pa tayo natalo! Love you, Kuya! RIP Chito Gascon," sinabi ni Miguel at tinag ang Facebook account ng chairperson.

Hindi pa isinasapubliko ang iba pang detalye tungkol sa kanyang pagpanaw.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Ngunit sinabi naman ng CHR na maglalabas sila ng pahayag.

Noong 2015, itinalaga si Gascon sa CHR. Nagsilbi siya noon bilang miyembro ng Human Rights Victims Claims Board na humahawak sa mga reparation programs sa mga biktima ng martial law.

Base rin sa kanyang records, ipinakita na nagsilbi bilang Constitutional Commission na bumalangkas sa 1987 Constitution, at ang 8th Philippine Congress sa panahon ni Pangulong Corazon Aquino.

Jel Santos