Sa loob lang ng higit tatlong linggo, halos 15 million ang nadagdag sa dating 400,000 Instagram followers ng “Squid Game” star na si HoYeon Jung.

Sa pag-uulat, nasa 14.8M followers na mayroon si HoYeon Jung ngayong Miyerkules, Oktubre 6.

Bago mag-premiere ang record-breaking Korean series na "Squid Game" nitong Setyembre, tinatayang nasa 400,000 lang ang Instagram followers ng aktres.

Dahil dito, siya na ang most followed Korean actress sa na naturang social site.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa ulat ng Flix Patrol, na-dethrone ng "Squid Game" na nagtala ng 562 overall score ang highest scored Korean content na “Sweet Home” na may 428 overall points sa Netflix.

Unang nakilala si Ho Yeon Jung bilang isang modelo nang sumabak ito sa Season 4 ng Vogue’s Korea’s Next Top Model.