Mukhang ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia ang magiging leading man ni Jane De Leon sa 'Darna: The TV Series' matapos ang cast reveal na isinagawa nitong Oktubre 5, 2021, bagama't sapantaha lamang ito ng mga kapamilya fans.

Bukod kay Jane bilang Darna, dalawa pa lamang sa mga cast members ang may malinaw na papel sa iconic TV series: si Iza Calzado na gaganap bilang lumang Darna na siyang magpapasa sa karakter ni Jane ng bato, at si Zaijan Jaranilla na gaganap bilang 'makabagong Ding' na inilarawan bilang techie at social media savvy.

Ngunit palaisipan pa rin sa mga tao kung sino nga ba ang gaganap bilang Valentina, ang babaeng ahas na makakalaban ni Darna.

Maraming netizens ang nagmumungkahi na sana raw ay mas may edad kay Jane, o kaya naman ay batikang aktres. Lumutang ang pangalan nina Anne Curtis, Ivana Alawi, Denise Laurel, at Nadine Lustre. May nagsasabi ring bagay rin ito sa bagong Kapamilya na si Lovi Poe.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Ann Curtis, Nadine Lustre, Denise Laurel, at Ivana Alawi (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Julia Barretto, Heaven Peralejo, Yen Santos, at Lovi Poe (Larawan mula sa Manila Bulletin)

May mga 'pasaway' namang netizens na pabirong nagsabing bakit hindi si Julia Barretto, Heaven Peralejo, o Yen Santos ang kunin bilang Valentina.

Hindi rin sigurado kung magkakaroon pa nga ng karakter na Valentina, dahil noong si Jerrold Tarog pa sana ang magdidirek nito, iniisip na kunin si Christopher de Leon para gumanap na masamang siyentipiko na siyang magpapakalat ng kasamaan sa Madlang Pipol. Ngayong si Chito S. Roño na ang direktor nito, kung magkakaroon man daw ng Valentina ay titiyakin niyang malakas ang dating at personalidad nito.

Sa bersyon ng GMA Network dito noong 2005 kung saan si Angel Locsin ang Darna, ang gumanap na Valentina ay si Alessandra de Rossi.

Noong 2009 naman kung saan si Marian Rivera ang Darna, si Iwa Moto ang gumanap na Valentina.

Sa pelikula, ang mga tumatak na Valentina ay sina Pilita Corales at Cherie Gil.